Chapter 56 Nanghihina akong napaupo nang makaramdam ng pagkahilo. Nakaramdam din ako ng basang likido na tumulo mula sa ilong ko. Agad ko itong dinampi para malaman kung ano na. May dugo na ngayon lang ulit tumulo. Binalak kong tumayo pero hindi ko na magawa pa. Nanghihina na rin ako. Parang bumalik na rin ito sa bugbog sarado na pakiramdam kanina. “Buwisit,” mahinang sabi ko. Pareho na kaming duguan at hinihingal dahil sa sobrang pagod. Puro pasa na rin at sakit ng katawan ang nakuha namin sa isa’t isa. Napatitig ako sa hitsura niya. Nagkikislapan na lang ngayon ang mga naputol na wire ng kanyang cybernetic body. Pansin ko na hindi na rin siya nakagagalaw sa kanyang puwesto. Tanggal pa ang kanyang kaliwang braso at binti niya dahil sa ginawa kong pagwasak sa mga ito. Sa hitsura