Chapter 57 Bata pa lang ako, laman na ako ng panunukso dahil kahinaan ng utak ko. Ang dali lang para sa mga kaklase ko na makuha ang bawat lesson, pero ako, kahit pilitin kong sumabay, palagi na lang akong napag-iiwanan. Kahit gaano ko kagustong matutuhan ang mga bagay, ang hirap para sa akin na intindihin. Nakakasakit ng ulo. Hindi ko rin alam kung bakit ako ganito. Kung bakit iba ako sa kanila. Kung bakit napakabagal magproseso ng isip ko para maintindihan ang mga bagay. Pero ang dali lang para sa karamihan na makuha ’yon. Waiz Catalinuhan pa raw ang pangalan ko, pero hindi bagay sa pagkatao, dahil kabaliktaran talaga ako nito. Hindi ko naman matanong sa nagpangalan sa akin dahil matagal nang wala si Mama. Kung si Tita naman, hindi kapani-paniwala ang sinasabi niya. Alam daw kasi