Chapter 64 Tahimik lang ang buong paligid dahil dahil walang nagsasalita sa amin hangga’t hindi tumitigil sa pag-ikot ang bote. Nanatili kaming nakatutok dito, hanggang sa tuluyan na itong huminto. Napalingon kami sa kung sino ang natapatan nito. Si Xyrus pala. “So, Xyrus. Truth or dare?” tanong sa kanya ni Hiro at uminom ng beer. “Truth,” seryosong sagot naman niya. Kunot-noo akong napalingon ko Hiro at nag-isip ng puwede niyang itanong kay Xyrus. Biglang pumasok sa isip ko ang mga itinanong niya kanina tungkol sa fighting spirit o kung sino ang bahala kay Batman kung sakali mang mamamatay na ito. Baka mga corny na jokes na naman ang lumabas sa kanyang bibig. Masasayang lang ang tanong. Napansin ko ang unti-unting pagngiti ni Hiro. Mukhang nakaisip na siya ng itatanong. Sana nam