Chapter 63 Wala pang ilang oras ay nakarating na agad dito si Tristan dala ang dalawang case ng beer. Nakapagpuslit agad siya nang walang kahirap-hirap. Napansin ko na napakalaki talaga ng pakinabang ng kanyang special skill. Madali na lang nakalalabas at nakakapasok sa mga lugar na gugustuhin niya. Kahit private pa ito, at puno ng security. Kung gagamitin niya naman ito sa mga dating place at amusement park, hindi na siya makakapagbayad pa ng entrance fee. Tipid din siya sa pamasahe at oras kung sakali mang mayroon siyang pupuntahan kahit malayo. “Sakto na ba ’to?” tanong niya at lumingon-lingon sa direksyon namin. “Okay na ’yan, hindi rin dapat tayo magpakalunod dahil mayroon pang susunod na pagsubok bukas para sa mga nakarating ng top. 12,” sabi ni Duncan na sinang-ayunan din namin.