Chapter 50 “Duncan!” sigaw ng lalaking kasama namin sa ilalim. Napatingala kami sa itaas. Nagulat ako nang may isang lalaki na tumalon pababa rito. Iiwas sana ako bilang pag-iingat na baka bagsakan ako ulit pero hindi ito natuloy nang makita na lumutang siya. “Anti gravity ang special skill ng lalaki. Ang astig,” rinig kong sabi ni King. Bumaba ito sa tapat ng lalaki. “Masyado ka kasing lampa, buti na lang may kaibigan kang katulad ko,” sabi ng lalaki. “Huwag ka nang maraming sinasabi, engot.” Lumapit naman sa kanya ang kasama namin at kumapit sa likod niya. Nagsimula na itong lumipad sa pataas kasama ang lalaki. Bumubuwelo pa lang sana akong magsabi na makipagtulungan siya sa amin para makaalis pero may tutulong naman pala sa kanya. “Sandali! Paano kami?” tanong ko sa kanila.