Chapter 49 Nakaramdam ako ng matinding kaba habang pinakikinggan ang mga sinasabi nila. “Magiging magkakalaban kaming lahat hanggang sa isa na lang matira?” mahinang tanong ko sa sarili na bakas sa mukha ang gulat. Tumingin-tingin ako sa mga estudyante na nandito. Napalunok ako nang makita ang Cyborg na pinatutunog ang kanyang metal na kamao. Wala man lang bakas ng takot sa kanyang mukha at parang excited pa sa mangyayari. “Basic,” rinig kong sabi ng isang lalaki na taga-Class Diamond. “Humanda kayo sa ’kin, mga mahihinang nilalang,” buong kumpiyansang sabi naman ng isang kaklase ni Hiro. Ang pangatlo sa Class Alexandrite. Samantalang si Hiro ay kalmado lang na nakangiti habang nakatingin sa direksyon ko. “Magandang araw sa inyong lahat.” Naagaw ang atensyon namin nang makarinig