Chapter 48 Lumabas kami ng room at hinanap si Mang Samuel para i-report ang nangyari. Sa kasamang palad, wala kaming nakita. “Mukhang ang role lang talaga niya ay ihatid tayo rito,” sabi ni Win habang inililibot ang tingin sa buong paligid. Napaliligiran kami ng mga puno at kabundukan. Kahit sikat na ang araw ay makapal pa rin ang hamog. “Hindi tayo puwedeng umalis. Walang may alam kung saan tayo pupunta. Baka maligaw tayo,” sabi ni King. Hindi ko maitatanggi na tama siya. Bawat daan ay magkakaparehas lang dito. Walang may pamilyar sa lugar na ’to kaya hindi kami dapat magpadalos-dalos. Wala na kaming ibang nagawa kundi bumalik na lang sa room dahil palamig na nang palamig sa labas. “So, paano na ’yan?” tanong ni King. Nanlulumo kong ibinalik ang tingin sa bag at malalim na napab