Chapter 47 MALAKAS akong humikab at nag-unat ng mga braso habang nakatayo sa harapan ng school gate. Madilim pa ang kalangitan at ang lamig dito. Mukhang alas-kuwatro pa lang ng madaling araw. Napansin kong nandito na rin sa labas ang ilang estudyante ng Class Stone at naghihintay ng sasakyan namin. Ngayon na kami pupunta ng Baguio. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko dahil darating kami roon para gawin ang mga pagsubok na hahasa sa aming kakayahan, hindi para magbakasyon. Nakasuot lang ako ng plain gray hood jacket na pinartneran ng black shorts at white sneakers. Nagbaon naman ako ng mga damit na sasapat sa ilang araw na pananatili namin. Hindi na ako nagdala pa ng ibang bagay na alam kong hindi naman kailangan. Magpapabigat lang ito sa bag. Hindi na dapat pang pahirapa