Chapter 46

1068 Words

Chapter 46 TULALA akong napatitig sa kawalan. Ilang minuto na ang nakalipas mula nang magaya ko ang special skill ni Xyrus. Nakakasira ng ulo ang nangyari. Parang na-torture ang utak ko dahil sa dami ng naririnig ko. Totoong nakakabaliw. Sari-saring mga boses ito na gumugulo sa akin. Kung saan-saan ito nanggaling. Ang ingay. Ang tagal ko rin naghirap at gumawa ng kung ano-anong paraan para tumigil ito pero hindi naman naging epektibo. Hinintay na lang naming matapos, kahit halos masiraan na ako ng bait. Akala ko hindi na ’yon titigil. Buti na lang tapos na. At sigurado akong hindi ko na ’yon uulitin. Hindi ko inaasahan na nakatagal si Xyrus na nakakarinig ng mga gano'ng bagay. Kung ako ’yon, siguradong nasa Mental hospital na ako dahil tuluyan na akong nasiraan ng ulo. “Ibang kla

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD