Chapter 45 Agad akong sinalubong ng consultant nang makarating kami sa office. May mga ilang bagay lang na itinanong siya sa akin tungkol sa skill ko, pagkatapos ay pinabalik na ako sa dorm para makapagpahinga. Umuwi na ako sa room at dumiretso sa puwesto ko sa itaas. Komportable akong humiga at tumingin sa kisame. Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa dahil iniisip ko pa rin ang nagawa ko kanina. Bigla kong naalala ang sinabi ng consultant. Sinimulan niyang sabihin ang tungkol sa pinaghihinalaan na ang unang beses na lumabas ang special skill ko ay noong pinaulanan ako ng mga kaklase ng napakaraming libro. Ang sumunod ay ’yung araw na nagsuntukan kami ni Xyrus matapos akong mapili para maging estudyante ng Kaizen Academy. Naaalala ko ang mga araw na ’yon. Halos katulad din ’to