Chapter 44

1137 Words

Chapter 44 Matapos ang nangyari ay pinaalis na ang mga dati kong kaklase na nanggugulo sa booth. Nagtamo rin sila ng napakaraming pasa at sugat dahil sa pagsasakitan na ginawa nila sa isa’t isa. Tulala naman at tila wala sa sarili si Jasper na lumabas. Sigurado akong hindi lang katawan niya ang napuruhan, isama na rin ang kanyang isip dahil sa hindi maipaliwanag na pagpapalitan ng katawan namin nang ilang minuto. Alam kong puno siya ng mga tanong at naguguluhan pero hindi niya na ito masasabi pa. Wala ring maniniwala sa kanya. Natapos na ang event. Kami na lang ng buong Class Stone ang narito para magligpit ng mga gamit. “Ang angas no’n,” tanging nasabi ko habang inaalala ang nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kapag pumapasok sa isip ko ang aking nagawa kanina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD