Chapter 43 “Paano kung kayo ang makaranas ng ginawa n’yo sa ’kin?” nakangising tanong ko. Inalala ko ang lahat ng ginawa nila noon pati na ang mga pambu-bully. Mas hinigpitan ko pa ang paghawak nang mahigpit sa kanyang kamao. Matalim ko siyang tiningnan. Lalo akong nanggigil dahil sa sobrang pagkabuwisit sa mukha niya. Bahagya akong napapikit nang biglang magmagkaroon ng nakasisilaw na liwanag sa paligid. Sa iglap ay nakita ko ang katawan ko sa harapan na unti-unting dumilat. Agad itong tumingin sa akin. Nanlaki ang kanyang mga mata at tila hindi makapaniwala sa nakikita. Napatingin ako sa sarili ko at pinagmasdan itong mabuti. Napansin ko na iba na ang hitsura ng katawan ko at mukhang pamilyar. Ibinalik ko ang tingin sa kanya nang mapagtanto na nasa katawan ako ng dati kong kaklas