Chapter 66 Tulala akong napahawak sa aking pisngi nang makaramdam ng malambot na bagay na dumampi rito. Hindi ko maintindihan pero parang ang sarap sa pakiramdam. Kunot-noo naman akong napalingon-lingon sa buong paligid kung may insekto rito, wala naman. Nakapagtataka. “Ano kaya ’yon?” tanong ko sa sarili. Kakaiba talaga ang naramdaman ko na ’yon. Parang may humalik sa akin na kun sino. “May gusto ko ba kay Time, Waiz?” gulat akong napatingin kay Vanna nang marinig ang tanong niya. Napansin ko ang malungkot na ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi ko maiwasang maawa. Nanatili naman akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Dapat ko bang aminin na mayroon talaga akong gusto ko Time? Mukhang ’yon nga talaga ang dapat na gawin ko dahil ito talaga ang totoo