Chapter 67

1303 Words

Chapter 67 Tumunog na ang bell bilang pagsisimula ng kanilang laban. Hindi maalis ang atensyon ko sa kanila. Gusto ko talagang makita ang skill na gagamitin ng dalawa. Hinanda nila ang mga sarili bilang depensa at pinakiramdaman ang isa’t isa. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang maging katawan ni Hiro ang nasa kinatatayuan ni Ken. “Ang guwapo naman ng nasa loob ng octagon!” sigaw ni Hiro mula sa labas at humiyaw bilang suporta. Naalala ko ang sinabi ni King na body manipulation ang special skill ni Ken. Kaya nitong kopyahin ang katawan ng isang tao at gayahin ang kakayahan nito sa loob ng ilang minuto. Hindi ako makapaniwala. Kamukhang-kamukha na talaga ni Hiro ang hitsura ni Ken ngayon. Agad namang umiwas ng tingin si Steph sa kanya at sinimulan nang sumipa nang hindi nakatingin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD