Chapter 41 Napayuko ako para hindi sila makita. Ayoko sila tingnan. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong nakaramdam ng takot at kaba. Parang nawala rin sa isang iglap ang kumpiyansa ko sa sarili. Bumalik kasi sa alaala ko ang mga pangti-trip na ginawa nila sa akin noon. Huminga ako ng malalim at mariing napakuyom ng kamao. Ano ba, Waiz? Hindi ka dapat nagkakaganyan ngayon. Mag-focus ka. Sinilip ko ng tingin si Xyrus. Seryoso lang siyang nakatingin sa kanila. “Long time no see. Mukhang marami na pala ang nagbago, tama ba ako, Xyrus at Waiz?” rinig kong sabi ng isa. Hindi ako matandain sa pangalan pero kilalang-kilala ko ang mga mukha nila. “Alis.” Napaangat ako ng tingin. Binangga ni Xyrus ang mga ito na naging dahilan para tumabi na sila at magkaroon ng malaking espasyo sa gitna