Chapter 40 HALOS bumagsak ang mga talukap ko habang nakatingin kay Ma’am. Nasa loob kami ng classroom. Nagpapaalala siya tungkol sa nangyari kahapon. Masuwerte na nalinis agad ang kumalat na video, pero siguradong nakatatak pa ’yon sa isip ng mga nakapanood. Hihintayin na lang namin na humupa ang issue. Hindi naman dapat ako apektado roon dahil wala naman akong napakitang special skill. Pero dahil ako ang halos laman ng buong video, kasali na ako. “Sa ngayon, wala munang puwedeng lumabas ng school hanggang sa mawala na nang tuluyan ang kalat. Aasahan ko na hindi na ’yon maulit pa, dahil hindi lang imahe ng Kaizen Academy ang nakataya rito pati na rin ang kaligtasan ninyo,” saad niya. Napalingon ako sa likuran para silipin ng tingin si Sadako. Hindi ko makita ang kanyang reaksyon dahi