Chapter 39 “’Di ba, mahilig kayo sa teddy bear o kaya mga cute na bagay?” tanong ko kay Sadako. Kasabay ko siyang naglalakad ngayon at naglilibot sa bawat tindahan. Nagpatulong ako sa kanya na maghanap ng bagay na puwedeng magustuhan ni Time. Noong una ay hindi siya pumayag pero nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang sumulpot ulit sa tabi ko at sinabing sasama na raw siya. “Parang hindi naman into cute stuff si Time,” kumento ni Sadako. Bahagya akong napatango bilang pagsang-ayon. Posibleng tama siya dahil pansin ko rin na halos pang-astig ang mga gamit ni Time. “Sabagay.” Napakamot ako sa batok at nag-isip ulit ng puwedeng mabili. “Bakit ka pala magreregalo kay Time? Birthday ba niya?” tanong niya na may halong pagtataka. “Hindi naman,” sagot ko habang tumitingin-tingin

