Chapter 38 “Mukhang marami ka nang nainom, boss. Kaya dapat ka nang matulog,” kalmadong sabi ni Sir Leon. Nagulat kami nang bigyan niya ng malakas na sapak sa lalaki at halos lumagutok pa ang kamao sa mukha nito. “Ay!” gulat na sigaw ng ilang taong natitira. Sa isang iglap lang ay nawalan na ng malay ang lalaki dahil sa lakas ng puwersa na binigay ni Sir Leon. Kalmado pa ring tumayo si Sir at inayos ang laylayan ng kanyang damit. Buntong-hininga niyang tiningnan ang nakahandusay. “Don’t worry, buhay pa siya. Kami na ang bahala sa kanya. Isasama namin siya sa presinto para panagutan ang ginawa niya sa kasama ko,” saad niya. “Ayos ka lang ba, Pilar?” nag-aalalang tanong niya kay Ma’am. Bahagya namang tumango si Ma’am Pilar bilang tugon. Ibinaling ni Sir Leon ang tingin sa direksyon