Chapter 37

1120 Words

Chapter 37 Hindi ko maiwasang mapangiwi sa mga inorder nilang pagkain. Halos maging buffet ang table dahil sa dami ng mga ito. Nakakatakam nga ang mga amoy pero mukhang nakakabutas naman ng bulsa. Lalo na’t ako ang ginawang taya ng kumag na si Xyrus. Maghihirap ako sa ginagawa nila. “Buwisit na Xyrus, kung hindi ka lang kapatid ni Time,” mahina pero mariin kong sabi dahil sa sobrang inis. Si Time lang ang inaya kong ilibre pero sinali ng kuya niya silang lahat. Buti sana kung mayaman ako. Parang ’di pa nga sapat ang pera ko para sa sarili at magkaroon ng mga luho. Buti na lang may ilan akong ipon para hindi magkulang ang pambayad. “Maraming salamat, Waiz!” Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang malaanghel na boses ni Time sa kabilang puwesto ng table katabi ng kuya niyang kumag.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD