Chapter 59

1128 Words

Chapter 59 Kumuha siya ng upuan at inilagay sa tabi ko. Naka-dekuwatro siyang umupo at napahalukipkip. Nanliliit na mga mata siyang tumingin sa direksyon ng malaking screen na nasa labas. Hinimas niya ang kanyang baba at bahagyang napatango. “Simulan muna nating alamin ang mga kanilang mga background at kung ano ang kanilang special skills,” saad niya. Bahagya naman akong tumango bilang tugon. Saktong-sakto ang timing ni King sa iniisip ko kanina. Ito talaga ang kailangan ko. Mabuting nalaman ko ng kanilang special skill para mapag-aralan at malaman kung paano ito kokontrahin. “Umpisahan natin sa nauna sa ’yo, si Brandon, ’yung bully na Cyborg,” sabi niya. Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari sa amin kanina sa loob ng maze. ’Yung oras na sinira ko ang braso at binti niya. Naalala ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD