Chapter 29 TULAD ng napag-usapan, ako at si Xyrus ang napili para maging representative ng Class Stone. Hindi na ako tumanggi pa dahil magandang oportunidad na rin ito para mapatunayan ang sarili kahit sabihing si yabang pa ang magiging kakampi ko. Pareho naming goal ang ilaban ang Class Stone kaya wala kaming magagawa kundi ang magkasundo at pakisamahan ang isa’t isa. Mukhang alam niya rin ’yon dahil hindi niya ako pinag-initan noong mga nakalipas na araw. Nandito kami ngayon sa table ni Ma’am Pilar para pag-usapan ang paghahandang gagawin. “Walang nakakaalam sa magiging setup ng event pero nakatitiyak ako na mahirap ito. Gawin n’yo ang lahat ng inyong makakaya para sa pangalan ng Class Stone,” saad ni Ma’am. Seryoso kaming tumango ni Xyrus bilang tugon. “Makaaasa akong tutulunga