Chapter 30 Akma niya akong susuntukin pero mabilis akong napaiwas. Agad din akong umatras para tuluyang makalayo sa kanya. “Ah!” gulat na sabi ko nang mawalan ng balanse at pabagsak na napaupo sa lupa. “Buwisit!” singhal ko. Napahawak ako sa puwitan ko. Napuruhan pa yata ito sa masamang pagtama. Nakakainis! Tiningnan ko siya nang masama. Hindi pa nagsisimula ang kompetisyon, ang init niya na agad. Sa hitsura niya, kitang-kita na gusto niya talaga akong dugurin na parang may matindi siyang galit sa akin. “Kinakalawang na siguro ang utak mo kaya ka ganyan,” sabi ko at binigyan siya ng mapang-asar na tawa. “Aba! Ang yabang mo talaga!” inis na sagot niya. Pinatunog niya ang mga metal niyang daliri habang papalapit. Napalunok ako nang marinig ang malalakas na paglagutok ng mga ito