Chapter 31 Hindi ko alam kung ano’ng dapat na maging reaksyon ko nang marinig na kapatid ni Xyrus si Time. Nalaman ko nga ang pangalan niya pero parang nawala naman ang tsansa ko na mapalapit sa kanya. “K-kapatid?” nauutal na tanong ko. Hindi ako makapaniwala. Sa dinami-rami ng puwedeng maging konektado, sila pang dalawa. Hindi naman sila magkamukha. Mas mapagkakamalan pa silang magtatay, pero biro lang. “She’s my half sister,” pagkumpirma niya. Peke akong ngumiti at bahagyang napatango. Medyo pinagpawisan ako dahil sa kaba at pagkailang. Hindi ko lang talaga inaasahan na related sila sa isa’t isa. Mukhang minamalas ka nga naman, Waiz. Ang crush ko at ang matindi kong kaaway ay magkapatid. Napaisip tuloy ako kung makadidiskarte pa ako kay Time kung kinabubuwisitan ako ng kapatid ni