Chapter 32 Nabaling ang atensyon namin nang kalmadong tumayo si Xyrus na parang hindi nakikita ang pagsuntok na binabalak gawin ng dambulaha sa akin. Nanatili pa rin ang mahigpit na paghawak ng lalaki sa kuwelyo ko. Medyo nasasakal na ako at hindi ko pa rin maabot ang sahig dahil hanggang ngayon ay nakaangat ako. Mukhang wala talaga siyang balak pa na pakawalan ako hangga’t hindi niya ako nasusuntok. At mukhang ayaw niya na talagang hintayin pa ang magiging laban mamaya. “Buwisit,” nahihirapang singhal ko. Napansin ko naman na pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nandito sa canteen, pero walang sumisita. Nanonood lang sila at parang excited pa yatang may mag-aaway rito. Sinubukan kong gumalaw-galaw para bitawan niya ako at tuluyang makawala, pero habang patuloy akong nagpipilit