Chapter 33 “Buwisit ka, Waiz,” may gigil na sambit ni Xyrus sa tabi ko. Mariin na nakayukom ang kamao niya at ramdam na ramdam ko na gusto niya nang itama ito sa akin. Hindi ko siya maisisisi sa reaksyon niya ngayon dahil imbis na nasa kompetisyon kami ay narito kami sa loob ng faculty katapat si Ma’am Pilar. “Sorry po, Ma’am,” paghingi ko ng tawad habang nakayuko. Hindi ko siya kayang tingnan dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Dahil sa akin kaya kami na-disqualified. Kung hindi ko sana sila pinatulan, wala kami rito. Hinanda ko na ang sarili sa sasabihin ni Ma’am. Handa akong tanggapin ang masasakit na ibabato niya dahil deserve ko ’yon. Nagtiwala sila sa akin pero binigo ko na agad sila. “Ayos lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan?” Nagulat ako nang marinig ang bungad na tanong ni