Chapter 24 Pagod kaming huminto ni Vanna sa park at umupo sa magkatabing duyan. Palubog na ang araw. Kanina pa kami naglilibot at umaasang makita ang isa sa mga taong may ekstraordinaryong kakayahan, pero bigo pa rin. Bawat taong makita namin ay mga hindi kahina-hinala at normal lang na kumikilos kaya mahirap pagsuspetiyahan. “Nakita na ng iba nating kaklase ang ilan sa mga hinahanap, mukhang tayo na lang ang hinihintay,” nababahalang sabi niya. Bakas sa mukha niya na napanghihinaan na siya ng loob. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Nahihiya na ako at medyo nanliliit sa sarili ko dahil wala man lang akong maitulong. Alam kong nanghihina na siya. Ilang beses nang nagdugo ang ilong niya sa sobrang paggamit ng skill, wala man lang akong ibang magawa kundi tingnan lang siya na may h