SA OSPITAL nagpahatid si Kim kay Sir Jay niya pagkatapos ng date 'kuno' nila sa restaurant ng resort. At kapansin-pansin ang kasiglaan ng binata. Sisipol-sipol kasi ito habang nagda-drive. Himala na hindi mainit ang ulo. Himala na kanina pa nakangiti. Napapangiti na lamang din si Kim kapag sinusulyapan niya ang binata. At napapabuntong-hininga rin dahil hindi naman pala ganoon kahirap ang pagpapanggap nila dahil kung ano siya ay 'yon pa rin ang pinapakita niya. Nakita nga siya ng katrabaho, binati niya at binati siya pero hindi siya pinagbawalan ni Sir Jay niya. Totoong wala talagang pinapabago sa kanya si Sir Jay niya na pagkatao niya. Kaya okay na ito keysa mawalan siya ng trabaho dahil sa mga nagawa niyang kalokohan. "Is it okay kung hindi na kita ihahatid hanggang sa loob?" sabi ni S

