NASANDAL sa dahon ng pinto ng penthouse si Kim. Lupaypay ang kanyang mga balikat at parang mayroong pagkain sa kanyang bunganga na hindi niya malasahan sa hitsura ng kanyang mukha. Paano ba naman kasi, eh, talagang pinaghahanap siya ng dyablong Jay na iyon ng daga. Kagagahan! Kabaliwan! At kakaloka! Dahil saan naman siya rito maghahanap ng daga? Eh, gawa-gawa lang naman niya iyon. Ay, sus! Kung 'di lang nila kailangan talaga ng pera ay kanina pa niya binulyawan sa mukha ang dyablong iyon ng mga salitang, "I resign! Dyablo ka! Nagsisisi ako bakit pa kita naging crush! Tse!" Kainis naman kasi, sumabay pa na nahulog ang tatay niya sa manggahan. Hindi tuloy siya makaalis sa nakakabaliw na trabahong ito. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago siya nagpasyang mag