CHAPTER 21: Confession JOYCE/DESTINY'S P.O.V Dalawang araw din akong namalagi sa hospital at matapos ang dalawang araw na 'yon ay pinayagan na akong makalabas ng hospital kaya naman nang tawagan ko si Lina na dalhin sa coffee shop ko ang mga gamit ni Destiny sa mansyon ng mga magulang nila ay pumayag naman si Lina kaya naman nagpasalamat lang ako kay Lina at matapos no'n ay si Sace na ang kumuha ng mga gamit ko. Kasalukuyan kaming bumabyahe ni Sace papunta sa condo unit niya kaya naman hindi ko maiwasan ang ma-excite dahil sa unang pagkakataon ay pupunta kami sa condo unit ni Sace at mula sa araw na 'to ay makakasama ko nang tumira sa iisang bubong ang lalaking mahal ko. Alam kong si Destiny dapat ang nagpapasiya kung sinong gusto niyang mahalin pero pumayag naman na si Destiny sa akin