CHAPTER 22: Misunderstanding JOYCE/DESTINY'S P.O.V "... I realize that I'm starting to like you, Destiny. I hope you give me a chance to prove it to you," seryosong sabi niya at hindi ako nakagalaw nang maramdaman ko ang paghawak niya sa pisngi ko kasabay naman no'n ang paghalik niya sa mga labi ko. Kaya naman agad ko siyang naitulak nang marinig ko ang pagkalabog ng pintuan sa opisina ko at kasabay no'n ay nakita ko si Sace na nag-aapoy ang mga mata sa galit na nakatingin sa amin ni Kaizo. Nagulat na lang ako nang makita kong sumugod si Sace kay Kaizo at saka niya ito pinaulanan nang suntok sa mukha. "S-Sace t-tama na yan!" nagpa-panic na awat ko sa dalawang lalaki dahil nakita ko na lumaban na rin si Kaizo nang suntok kay Sace kaya naman pinaghiwalay ko silang dalawa na pareho nang