CHAPTER 23: The Truth SKYE ACE'S P.O.V "I w-want to tell you the truth... I know that this sounds insane, but I want you to believe me no matter what happened," seryosong sabi ni Destiny sa akin habang nakatitig sa mga mata ko at hawak ako sa braso ko. Huminga ako nang malalim para maharap siya at saka seryosong tumango sa kanya. Nakita ko naman na nag-aalangan pa siya kaya naman nang muli siyang humarap sa akin ay agad siyang nagsalita ulit. "Ang totoo ay h-hindi ako si Destiny na kababata mo Sace dahil a-ang totoo ay a-ako si Joyce. Alam ko na para sa 'yo malaking kalokohan itong pinagsasabi ko pero ito ang totoo Sace, k-kaya nga nagbago na lang bigla si Destiny d-dahil ang totoo ay hindi naman kasi talaga ako si Destiny dahil ako si Joyce," paliwanag niya kaya naman kumunot ang noo