CHAPTER 28: Dream JOYCE ANNE'S P.O.V Nang imulat ko ang mga mata ko ay agad akong nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa kisame at naramdaman kong mabigat ang katawan ko at naramdaman ko rin na may nakakabit na oxygen mask sa bibig at ilong ko at naramdaman kong may nakabalot sa ulo ko na bandage. Bukod pa do'n ay naramdaman ko ang pananakit ng likuran na para bang ang tagal ko nang nakahiga dahil naramdaman ko ang pangangalay ng likuran ko. "Oh god! Y-you're finally awake now, thank god!" agad akong napabaling sa direksyon nang nagsalita at hindi ako makapaniwala nang makita ko si Mary na lumuluhang nakatingin sa akin. Si Mary ang pinsan ko sa mother's side at sa pamilya ko ay siya lang ang nag-iisang tao na nag-aalala sa akin at palagi kong nalalapitan sa tuwing nakakaramdam ako ng l