CHAPTER 27: Grief SKYE ACE'S P.O.V Nang idilat ko ang mga mata ko ay agad akong napabangon nang makita ko na wala na si Joyce sa tabi ko kaya naman agad akong bumangon at saka nagpunta sa banyo para magshower at matapos no'n ay nagbihis ako ulit. Nang makalabas ako ng kwarto ko ay agad akong tumingin sa garden nang makita ko ang mga magulang ko na busy pa rin sa pagharap sa mga bisita namin. Kaya naman ng hindi ko mahanap si Joyce ay nagpasiya akong bumalik ulit sa loob nang marinig ko na may mga nagkakagulo na mga tao sa restroom. Mabilis akong naglakad patungo do'n ay ramdam na ramdam ko pagkabog ng puso ko kaya naman hinawi ko ang mga tao na nagkakagulo ro'n para makadaan ako. "What's happening here?!" takang tanong ko at halos malaglag na ang puso ko nang makita ko ang itsura ni