CHAPTER 26: Danger THIRD PERSON'S P.O.V Nang makita ni Joyce na nakatulog si Sace sa tabi niya matapos nilang magniig ay agad siyang bumangon sa higaan at saka napangiti nang makita na pagod ang lalaki pero para kay Joyce ay sobrang memorable ng araw na 'yon dahil naipakilala siya ng lalaki sa mga magulang nito. Inayos ni Joyce ang buhok ng binata at saka niya ito hinalikan sa noo kaya naman matapos no'n ay agad siyang bumangon at tumayo sa higaan saka nagpunta sa banyo para magshower at matapos niyang maligo ay agad niyang sinuot ulit ang dress niya. Nang makalabas siya ng kwarto ni Sace matapos niyang maligo ay nakita niya sa second floor na marami pa ring tao sa baba kaya naman hindi maiwasan ni Joyce na mamangha dahil iyon din ang unang pagkakataon para sa kanya na makarating sa ga