CHAPTER 25: Birthday Scandal SKYE ACE'S P.O.V Makalipas ang dalawang linggo matapos maging opisyal ng relasyon namin ni Joyce ay dumating ang araw ng birthday ko at dahil palaging nagpa-party ang mga magulang namin ni Kuya Cloud tuwing nagbi-birthday kami ay wala akong nagawa kundi ang imbintahin si Joyce. Napangiti ako nang mapatingin ako sa kanya na kakalabas lang sa dressing room at suot-suot niya na ang a-line formal dress in spaghetti strap na kulay maroon na sinukat niya at napili niya kanina lang. Kasalukuyan kasi kaming namimili ng damit na susuotin niya mamayang gabi sa birthday party ko kaya naman nang makita kong napangiti siya sa 'kin ay ay agad akong nagsalita. "It looks good on you sweetheart," malambing na sabi ko at nakita ko naman na namula ang pisngi niya kaya naman