NANGINGITI si Luisa habang nagpapahinga. Tapos na siyang tignan ng doctor na ipinatawag ni Dylan. Maayos naman ang resulta at binigyan siya ng ilang gamot na kailangan niyang inumin. Kalalabas lamang ni Dylan sa kaniyang silid upang ihatid ang doctor, hindi mapalis ang kaniyang ngiti dahil sa nakikita niyang pag-aalala ng lalaki at pag-aasikaso nito sa kaniya. He was the first man that gave her this kind of concern and efforts taking care of her. Ngayon lamang sa kaniyang buhay naranasang may mag-alaga sa tuwing siya ay nagkakasakit. Kung may isang Dylan palagi sa tuwing siya ay magkakasakit, aba’y napakasarap namang magkasakit. Though she knew that getting sick is not a joke, she could not stop making joke about it because of him. “How are you?” Kaagad niyang binura ang ngiti sa labi

