“PLEASE, bago kung ano pa man ang maging reaksyon mo. Puwede bang subukan mo lang munang pakinggan ako? Kung pupwede ako lang muna ang magsasalita. Just listen and hold your emotions.” Huminga nang malalim ang babaeng kaharap ni Dylan. Ito man ay nahihirapan sa nais sabihin ngunit dahil sa buhay na nanganganib ay nais nang isiwalat ang lahat. “Ang akala ko ayos na ang lahat gaya ng pinipilit kong mangyari, ang akala ko rin ay lubusan ko nang kilala si Brittany ngunit nagkamali ako.” Pinakatitigan nito si Dylan. Mata sa mata. “You have the right to know the truth, Mr. Villareal, hindi sana maagang nawala ang ama mo kung hindi nagtungo si Brittany sa hospital nang araw na iyon upang utusan ang isa sa mga nurse na kaibigan nito para tuluyan ang iyong ama.” Tila ata nabingi si Dylan sa narin

