Chapter 46

2468 Words

NANG sumapit ang araw ng lunes ay maagang nagising si Piper. Sabik na sabik sa kaniyang unang araw ng trabaho. Halos nauna na nga siyang magising sa oras na itinakda sa alarm clock. Pinatay niya na iyon at kaagad nag-asikaso. Maigi na lamang at wala siyang kasabayan ngayon sa banyo kaya naman hindi na siya nagtagal pa. Noon kasi ay naghihintay pa siyang matapos ang iba nilang kasamahan. Iisa lamang kasi ang palikuran at lima ang kasama nilang tenant. Nang matapos sa lahat ng dapat gawin ay tinignan niya ang sarili sa harap ng manipis na salaming nakadikit sa puting pader ng kaniyang silid. Pinayuhan siyang maglagay ng kaunting makeup. Nang sa ganoon ay maging pormal pa rin sa pagharap sa mga customer ng hotel. Ang uniporme naman ay susuotin niya na lamang pagdating sa trabaho. Sinuri niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD