“D-DYLAN...” bulalas ni Piper sa pangalan ng lalaki na kaagad yumakap sa kaniya. Sa gulat ay hindi kaagad nakahuma, ngunit kaagad din naman siyang nakabawi. Hindi nga lamang siya makapaniwala na naroon ito. Nang bumitaw ang lalaki ay pinakatitigan ito, ngunit himbis na magsalita ay dali-daling hinanap ng kaniyang mga mata ang lalaking nais makita. Inilibot niya ang paningin sa paligid, ngunit bigong makita si Liam. “God, I'm glad to see you again. Hindi ko akalaing dito lang pala kita makikita sa hotel na pagmamay-ari namin.” Kumunot ang kaniyang noo at ibinaling muli ang paningin sa kaharap na lalaki. “D-Dylan, hindi mo ba siya kasama?” Ganoon na lamang din ang biglaang pagtataka ng lalaki. “Sino?” Namilog ang kaniyang mga mata nang magising sa katotohanan. Tinakpan niya ang ibibi