WALANG HABAS na binuksan ni Liam ang pintuan ng kaniyang penthouse at dire-diretsong pumasok sa loob. Kasunod niya ang ilang kapulisan na mayroong mga hawak na baril at nakatutok sa dalawang babae na bigla na lamang nagtaas ng mga palad. “No, don’t,” kaagad na ipinababa ni Liam ang mga baril ng mga pulis at siyang nakatutok sa nobya at sa kaibigan nito. “Piper! Luisa!” hingal na hingal na wika ni Dylan na sunod na pumasok sa loob. “Nasaan si Tailor at Brittany?!” wika nito at inilibot ang paningin sa paligid. Ganoon din ang ginawa ni Liam, ngunit kahit saang sulok ng penthouse ay hindi nila nakita ang hinahanap. Sinimulan ding libutin ng mga kasama nilang pulis ang loob, upang makasigurado. Walang nakita ang mga ito. “A-anong nangyayari?” takhang tanong ni Piper na sinusundan lamang n

