KAAGAD NA ipinabatid ni Liam at Piper sa kanilang mga pamilya ang pagdadalang tao. Labis-labis ang kasiyahang kanilang nararamdaman. Dahil may pakpak ang balita, ay umabot ito hanggang sa hacienda kung saan maging ang kanilang abuelo at abuela ay ikinatuwa ang isang magandang balita. Kaagad tumawag ang mga ito upang batiin sila. “Sinasabi ko na nga ba at kayong dalawa lang din ang magkakatuluyan, hindi kami nagkamali ni Alejandro at ni Rafael,” tatawag-tawang wika ni Donya Anastasia habang katabi ang kanilang abuelo. Parehong nakikita sa mga mukha ng mag-asawa ang kasiyahan. “I’m so happy for the both of you. Hindi ako nagkamali sa naging desisyon ‘ko.” Kumunot ang kanilang noo habang nakatingin sa screen ng cell phone ni Liam. Nagkatinginan silang dalawa ni Piper. “Anong ibig ninyong sa

