KINUHA ni Piper ang huling maruming damit nila ni Liam mula sa lagayan ng kanilang marurumi. Magkahalo na kasi ang kanilang nga damit at ito na ang naglalaba tuwing linggo. Inilabas niya ang basket na hawak at dinala sa sala upang ihiwalay ang decolor sa puti. Nananakit ang kaniyang likod kayuyuko kaya naman naupo siya sa sofa. Isinandal niya ang kaniyang likuran. Hindi pa man malaki ang kaniyang tiyan ngunit bigat na bigat na ang kaniyang nalakang. “What are you doing?” takhang tanong ni Liam nang makita siya sa ginagawa. Katatapos pa lamang nitong maligo. Nakatakip ng tuwalya ang pang-ibaba at ang malaking pangangatawan ay bahagya pang basa. Napalunok si Piper habang pinagmamasdan ang nobyo. Araw-araw naman silang magkasama at nagtatabi, ngunit hindi pa rin niya maiwasang maakit sa m

