HALOS PLANADO na ni Liam ang lahat para sa gagawin niyang supresa sa nobya. Habang naghahanda ay nakikipag-usap pa rin siya kay Luisa nang palihim upang malaman ang mga nangyayari sa penthouse. He was planning a big surprise and he needed eveeyone’s cooperation for this big event. Para sa kaniya, karapat-dapat ang nobya na maranasan ang ganito kagarbong proposal. He knew her worth, and she is his everything. Halos ilang oras din silang nagtagal ni Dylan sa pag-aasikaso. Laking pasasalamat niya na nga lamang din dahil narito ang kaibigan at hindi siya ginawang iwan sa kabila ng mga nangyari. They remained bestfriends. “How is it?” tanong niya sa isa sa mga tauhang nag-aasikaso sa magarbong disenyo sa loob ng silid. “Okay na po, Sir. We will text you again once everything was done.” “O

