NAGISING si Piper sa ilang ulit na pagpihit ng kung sino sa doorbell ng penthouse. Hindi niya napansin na tinanghali na siya ng gising. Maigi na lamang at alas onse pa ang kaniyang pasok. Bumangon siya sa kama at kinusot lamang ang kaniyang mga mata. Hindi na inisip pa ang kaniyang hitsura. Tila wala pa siya sa katinuan at antok na antok pa nang buksan ang pintuan, Halos hindi niya na rin nagawa pang tanungin kung sino ang nasa labas bago ang lahat. “Good morning.” Namilog ang kaniyang mga mata nang bumungad sa kaniyang harapan ang nakangiting si Liam. Ilang beses ba dapat siyang masurpresa rito? Nang makilala kung sino ang bisita ay saka niya naisip ang kaniyang hitsura sa umagang ito. Mabilis siyang tumalikod at hinilamusan ng palad ang kaniyang mukha. “Kainis,” mahina niyang sambit, “