SA BUONG oras ng pagtatrabaho ay nakangiti si Piper. Hindi niya maalis ang ngiti sa mga labi dahil talagang masayang-masaya siya ngayong araw. She was also excited to get home and see him. Unang pagkakataon ito na wala pa man siyang natatapos sa trabaho ngunit sabik na siyang makauwi, at batid niya sa sarili ang dahilan kung bakit. “Dylan?” Kumunot ang kaniyang noo nang paglabas niya sa locker room ay naabutan niya ang lalaking nasa labas at nakasandal sa pader malapit sa pintuan. Diretsong tumayo ang lalaki at ngumiti sa kaniya. “Hello, sabay na tayong kumain.” Itinaas nito ang hawak na paper bag. Mayroon itong laman na mga pagkain na ang lalaki mismo ang nagluto. “I cooked for us. Sigurado akong magugustuhan mo ‘to.” Ngumiti siya at tumango. Hindi niya na kailangan pang umiwas din