HIYANG-HIYA si Piper na nakita ni Liam ang kaniyang painting na pinakatatago. Isa ito sa kaniyang obra maestra at gustong-gusto niya ang naipintang iyon. Hindi lamang sa maganda ang kaniyang pagkakagawa roon, kundi na rin dahil sa taong kaniyang pangunahing pinagbatayan. Noong unang makita niyang ngumiti si Liam ay hindi niya na nagawa pa iyong kalimutan. Namalagi ito sa kaniyang isip kaya naman nagawang ipinta. To all of artworks, that painting is her favorite. Dinala niya pa ito nang magtungo sa Maynila at pinakatatago. Kaya nga lamang ay nakita ito ni Liam ngayon. Nahihiya siya sa kung ano man ang iniisip nito. Hindi niya napigilang maging masaya lalo na at ipinakita ni Liam ang pagkamangha sa kaniyang gawa at nangako itong iingatan iyon. He appreciated her work, and that is what made h