Chapter 50

2272 Words

PINAGMAMASDAN ni Liam si Piper habang humihikbi ito at tinutupi ang mga damit sa isang bag. Hindi niya alam kung ano ang gagawin upang patahanin ito. Samantala ay sinimulan niya nang isipin kung saan ito dadalhin ngayon. Batid niyang hindi ito maaring dalhin sa condo unit ni Dylan, hindi pa siya nahihibang upang saktan ang sarili nang ganoon. Saka niya na lamang iisipin ang kaibigan. Sa ngayon ay si Piper muna. “Please, stop crying. Hindi naman kita pababayaang walang matutulugang maayos na lugar.” Naupo siya sa gilid ng kama pagkatapos isara ang pintuan. “Salamat, Senyorito Liam.” Malalim itong bumuntong hininga at isinara ang zipper ng bag. Hindi naman iyon kalakihan. Kakaunti lamang ang dinalang damit ni Piper mula sa probinsya. “Pero madaragdagan nanaman ang pagkakautang ko sa ‘yo.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD