MALAKAS na tilaok ng mga manok ang narinig ni Liam at nakapagpagising sa kaniya. Pagmulat niya ng mga mata ay bahagya pang malabo. Mabilis din siyang napahawak sa ulo nang maramdaman ang matinding pagkirot nito, ngunit nakapa niya sa kaniyang sintido ang isang bandage. Maging ang sugat ay kumikirot. Kumunot ang kaniyang noo at nagsimulang alalahanin ang nangyari subalit kahit anong gawin ay hindi maalala ang dahilan kung bakit natamo ang sugat. Ang tanging bagay na naalala ay ang pagpunta niya sa isang bar upang magpakalasing. “Dammit,” mura niya at marahang bumangon sa kama. Doon niya napansin ang isang babaeng nakayuko sa gilid ng kama na kaniyang hinihigaan. Napalunok siya ng sariling laway. Hindi niya na kailangan pang makita ang mukha nito upang makilala nang tuluyan. It was her. Ang