NAG-UNAT ng mga braso si Dylan at tinungo ang balkunahe ng kaniyang condo unit. He yawned while stretching his arms for this cold morning. He thought for a coffee so he went back to the kitchen and let the machine make his coffee. Ganito ang normal niyang araw. At dahil nasa mataas na palapag ang kaniyang unit ay damang-dama ang lamig dito sa umaga. Kaya naman paborito niyang magkape sa ganitong oras. Simula nang mailibing ang kaniyang ama at tuluyang nakilala ang tunay na ina, naging panatag ang kaniyang loob. Hindi nagtagal ay naglaho sa kaniyang dibdib ang lahat ng agam-agam noon. Naging tahimik ang kaniyang isip at ang palagay ng kaniyang puso, ngunit hindi pa rin naalis ang sakit ng pagkawala ng ama, maging ang mga alaalang iniwan nito. Mananatili ito sa kaniyang puso at isip. His c

