Chapter 117

1547 Words

MABILIS na ikinambyo ni Dylan ang sasakyan at itinabi sa gilid ng kalsada matapos marinig ang sinabi ni Luisa. Hindi siya kaagad nakahuma. Tumingin sa dalaga nang seryoso. Sinusuri niya kung nagbibiro lamang ito o hindi, ngunit nanatiling blangko ang mukha ni Luisa at naghihintay sa susunod niyang sasabihin. “Are you serious?” Hindi pa rin kasi siya sigurado. “Luisa...” Tumango ito. “Bakit naman ako magbibiro sa ganitong bagay?” Napahawak ito sa dibdib na napakalakas ng kabog. “Ang totoo pa nga ay kinakabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.” Kinuha nito ang bag at inilabas ang pregnancy test na ginamit kanina. Iniabot sa kaniya. “Para maniwala kang hindi ako nagbibiro.” Tinanggap niya ito at tinignan. Napahinto siya, hindi makapaniwala sa nakikitang resulta. “God,” bulalas niya at ib

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD